Nexus Language Centre Home | Useful Links | Contact Us


Offer


Filipino (Tagalog) Language


NEXUS
“Mag-aral kasama ang barkada”

Lokasyon

Matatagpuan ang Nexus malapit sa Central Station sa kalagitnaan ng Central Business District and Oxford Street. Saan mang sulok sa Central Business District ay mayroong department store, shops at mga restaurants. Ang Oxford Street ay punung-puno ng coffee shops, pubs, clubs and bars. Dito sa Oxford Street dinaraos ang Gay Mardi Gras taon-taon.

Kurso

Ang pangunahing layunin ng Nexus ay turuang gumamit ng English ang estudyante na hindi marunong sa gumamit ng English pati na yung mga marunong na gumamit ng English pero gustong pang pagbutihin ang paggamit nito. Ang Nexus ay aprobado ng gobyerno na magbigay ng student visa sa mga estudyante.

General English course – ito ay bagay sa estudyante na interesadong matuto na makinig, magsalita, magbasa at magsulat sa English. Tinuturuan ang mga estudyante sa wastong paggamit ng balarila at bukabularyo.

IELTS course – ito ay bagay sa lahat na interesadong kumuha ng IELTS exam. Ang IELTS ay ginagamit ng DIMIA at ng mga unibersidad sa UK at Australia na pangunahing batayan sa kasanayan sa paggamit ng English. Dito sa Nexus, ang paghahanda sa IELTS exam ay binibigyang diin. Binibigyan ng pagsasanay ang lahat ng estudyante para maging pamilyar sa IELTS exam.

Guro

Lahat ng guro sa Nexus ay qualipikadong magturo ng English. Lahat ng guro at empleyado sa Nexus ay mababait at handang tumulong sa lahat ng estudyante.

Kabayaran

Lahat ng kurso na inaalok ng Nexus ay kaya sa bulsa. Murang kurso at edukasyong de kalidad. Para sa karagdagang impormasyon, huwag magatubiling magtanong sa Nexus.

Email

Kami ay handang sagutin ang lahat ng inyong katanungan. Ipadala ang lahat ng katanungan sa email at matatanggap ang kasagutan sa loob ng 12 oras.

Huwag magatubiling bumisita sa Nexus kung ikaw ay kasalukuyang nakatira sa Australia. Bukas ang aming paaralan sa lahat ng tao interesadong mag-aral sa Nexus.

Phone: (612) 9283 1484

Fax: (612) 9267 8382

Contact Us

Mailing Address:
P.O. Box 1295, Darlinghurst, NSW 2010, Sydney Australia